PALM SUNDAY (Linggo Ng Palaspas)
April 13, 2014 We went to Immaculate Conception Cathedral Parish at Cubao Quezon City together with my Daughter (Ashleigh), my Sister (Lorna), and my Cousin (Charlete) to attend the Mass which was a Palm Sunday or in Tagalog word Linggo Ng Palaspas.

Ano nga ba ibig sabihin ng Linggo Ng Palaspas?
Ang Linggo ng Palaspas ay ang ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Sa araw na ito ay ginugunita ng mga Kristiyano ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo, o senyales ng pagsisimula ng Mahal na Araw.
Tuwing Linggo ng Palaspas, maraming mga Kristiyano ang nagdiriwang ng mga krus na gawa mula sa mga palaspas, o ang pinalamutiang at binasbasang mga dahon ng palma[3], at sa pamamagitan rin ng pagsisimba o pagpunta sa simbahan.Tinatawag ding Domingo de Ramos, sa araw na ito ay naglalabasan sa mga kalsada ang mga nagtitinda ng palaspas na isang mahalagang gamit na dinadala ng mga mananalampalataya sa Simbahan. Ang palaspas ay yari sa tangkay at dahon ng niyog na hinahabi sa iba’t ibang disenyo na kadalasan ay nasa anyong pahabang pamaypay na may tatlong
hugpungan. Ang iba naman ay hugis krus at arko. Sa mga lugar na kakaunti o walang tanim nap alma (palm) ay gumagamit ng alternatibong halaman sa palaspas.Sa araw na ito ay dala ng mga deboto ang palaspas sa Simbahan. Sa hudyat ng pari ay sabay sabay nilang iwinawagayway ang nasabing gamit. Ang pagwawagayway na ito ay nakakalikha ng animo’y matulis na tunog na dala ng hangin na pinaniniwalaan na isang paraan upang itaboy ang masasamang elemento at espiritu. Ang pari ay iikot sa mga tao upang mabindisyunan gamit ang banal na tubig ang mga palaspas ng mga deboto. Pag-uwi sa kani-kanilang tahanan ay ikinakabit ng mga tao ang kanilang palaspas a pintuan ng kanilang bahay upang protektahan ang kanilang pamilya mula sa kasamaan. Mananatili itong nakasabit sa tahanan hanggang sumapit muli ang Araw ng Palaspas isang taon ang makalipas.

Comments
Post a Comment